Display Apps ( 1 - 7 Kabuuan: 7 )
Ang Pananampalataya ng Isang Muslim Aplikasyon para sa iPhone, iPad
(Tagalog)
2013-09-15
Isang pagpapaliwanag at paglilinaw sa anim na Haligi ng Pananampalataya at sa kahulugan ng pagsasaksi na walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah (Laa ilaaha illallaah) at si Muhammad ay Sugo ng Allah na siyang Salita na magpapasok sa isang tao sa Pananampalatayang Islam, kalakip ang paglalahad sa ilang mga paksa na napakahalaga sa isang Muslim at magdadagdag sa kanyang pananampalataya.
Ang pamilya at ang mga pag-uugali sa Islam Aplikasyon para sa iPhone, iPad
(Tagalog)
2013-09-15
ng bagong pamamaraan [ng paglalarawan at pagpapaliwanag] na ito ay tinangka upang ito ay maipagkaloob sa iyo nang may ganap na impormasyon [at mga kaalaman at kabatiran] ang mga alituntuning-gabay tungkol sa pamilya at ang kahalagahan nito sa Islam; ang pamilya ay itinuring na haligi ng Islamikong lipunan [o pamayanan]. Ang pamamaraan [ng paglalarawan at pagpapaliwanag na] ito ay magbibigay ng kalinawan tungkol sa mga aspeto ng pagpapatupad, ng mga karapatan at ng mga hangganang nauukol sa mga pag-aasawa, pakikipag-ugnayang pamilya (ugnayan sa isa’t isa ng mag-asawa, ng magulang at mga anak, ng mga magkakapatid na lalaki at mga babae) at mga ugnayan sa ibang mga kamag-anakan at mga karagdagang kasambahay ng mag-anak. Ito ay nagpapaliwanag din kung paano pinagtutuunan nang higit na pagpapahalaga ang pangangalaga sa mga karapatang ito tulad ng inilarawan mula sa Banal na Qur’an at mula sa mga mapananaligang [o mga pinagtibay at mapagkakatiwalaang] Sunnah [ni Propeta Muhammad].
Ang Pagkain at Kasuutan Sa Islam Aplikasyon para sa iPhone, iPad
(Tagalog)
2013-09-15
Isang pagpapaliwanag sa mga isyu na kaugnay sa mga pagkain at ang kahalagahan ng pagkaalam sa Halal at Haram dito, at gaano kalaki ang epikto nito sa katugunan ng panalangin ng isang Muslim, kalakip ang paglilinaw sa mga kagandahang asal sa pagkain at inumin na siyang ipinag-uutos sa atin ng tunay na relihiyon (Islam). Gayundin naman na binibigyang linaw ng aklat na ito ang mga alituntunin ng mga kasuutan sa Islam kasama ang paglalahad sa ilang mga uri ng mga ipinagbabawal na mga kasuutan.
Ang Pagdarasal ng Isang Muslim Aplikasyon para sa iPhone, iPad
(Tagalog)
2013-09-15
Isang pagpapaliwanag sa pamamagitan ng larawan at detalyado sa pamamaraan ng Wudu’ (paghuhugas) at Salah (pagdarasal), kalakip ang isang paglilinaw sa kahagahan ng Taharah (paglilinis) sa buhay ng isang Muslim, gayundin ang paglilinaw sa kalagayan ng Salah sa Islam, kasama ang isang paglalahad sa mga Arkan (haligi) at Wajibat (kailangan) ng Salah, dagdag ang isang paglalahad sa isang lipon ng mga paksa na kaugnay sa dakilang seremonya na ito.
Ang Pag-Aayuno Ng Isang Muslim Aplikasyon para sa iPhone, iPad
(Tagalog)
2013-09-15
Isang paglilinaw at pagsasalaysay tungkol sa isa sa mga Haligi ng Islam, kalakip ang isang pagpapaliwanag sa mga alituntunin nito at mga dakilang layunin nito.
Ang Kayamanan sa Islam Aplikasyon para sa iPhone, iPad
(Tagalog)
2013-09-15
Isang paglilinaw sa kahalagahan ng Zakah (kawanggawa) sa Pananampalatayang Islam, at pagpapaliwanag sa mga dakilang layunin nito, kalakip ang isang pagpapaliwanag sa mga alituntunin ng Halal at Haram sa mga transaksyon na pangpinansiyal, at isang paglilinaw sa mga karapatang pangpinansiyal sa bawat tao batay sa kung ano ang naitutulong niya sa pagkakaisa ng komunidad at pag-papaunlad nito.
Ang Gabay Para sa Bagong Muslim Aplikasyon para sa iPhone, iPad
(Tagalog)
2013-09-15
Ang katangi-tanging gabay na inilahad sa iyo ay siyang unang hakbang at tumatayo bilang isang bahaging batayan ng iyong pag-aaral sa dakilang pananampalataya na ito na walang alinlangang ito ang siyang pinakamarangal na pagpapalang iginagawad ng Allah sa tao. Ito ay nagkakaloob sa iyo ng mga alituntuning gagabay sa iyo sa lahat ng mga aspeto ng buhay na iyong kahaharapin, at tumutugon sa iyong mga mahahalagang katanungan, gayundin at susuporta sa iyo sa pakikitungo sa mga taong nasa iyong kapaligiran at matagumpay na pakikisalamuha sa iba’t ibang kalagayan na karaniwan mong matatagpuan sa iyong sarili. Inilahad sa isang malinaw na pamamaraan, ang gabay na ito ay nagbibigay sa iyo nang may kaakibat na kaalamang nagmula sa Qur’an at sa Sunnah ng Propeta (ص).
Bukod pa sa pagkakaroon isang gabay ng aklat na ito, ito ay kalugud-lugod sa pagbabasa at pagsasaliksik. Ito rin ay isang sangguniang gabay na maaari mong balikan sa bawa’t sandali na iyong kahaharapin ang isang pangyayari [o kalagayan] o pangangalagaan upang iyong malaman ang batas o hatol ng Allah sa isang naturang usapin [o paksa].
Go to the Top