حقوق الإنسان في المجتمع المسلم

مقالات البطاقة التعريفية
العنوان: حقوق الإنسان في المجتمع المسلم
اللغة: فلبيني تجالوج
نبذة مختصرة: يقول الله تعالى : ( يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا يَسْخَرْ قَوْمٌ مِنْ قَوْمٍ عَسَى أَنْ يَكُونُوا خَيْرًا مِنْهُمْ وَلَا نِسَاءٌ مِنْ نِسَاءٍ عَسَى أَنْ يَكُنَّ خَيْرًا مِنْهُنَّ وَلَا تَلْمِزُوا أَنْفُسَكُمْ وَلَا تَنَابَزُوا بِالْأَلْقَابِ بِئْسَ الِاسْمُ الْفُسُوقُ بَعْدَ الْإِيمَانِ وَمَنْ لَمْ يَتُبْ فَأُولَئِكَ هُمُ الظَالِموُن )
[ الحجرات : 11 ].
تأريخ الإضافة: 2011-02-26
الرابط المختصر: http://IslamHouse.com/336072
:: هذا العنوان مصنف موضوعياً ضمن التصانيف الآتية ::
- هذه البطاقة مترجمة باللغات التالية: فلبيني تجالوج - إنجليزي - عفري
المرفقات ( 1 )
1.
Ang Karapatan ng Tao sa Pamayanang Islam
91.1 KB
فتح: Ang Karapatan ng Tao sa Pamayanang Islam.pdf
نبذة موسعة
1. Ang Kaligtasan ng Buhay at Ari-arian; sa huling sermon na kanyang ipinahayag sa panahon ng Hajj, siya ay nagsabi: Ang inyong buhay at ari-arian ay ipinagbabawal sa sinuman hanggang sa Araw ng inyong pakikipagharap sa Allah sa Araw ng Pagkabuhay Muli.” Ang Propeta ay nagsabi rin tungkol sa mga “dhimmi” (mga taong di-Muslim na naninirahan sa bansang Muslim). Ang sinumang pumatay ng (Dhimmi) tao na sakop ng kasunduan, siya ay hindi makaaamoy ng halimuyak ng Paraiso.

2. Ang Pangangalaga ng Dangal. Ang banal na Qur’an ay nagsabi:

a. O kayong Mananampalataya, huwag hayaan ang isang pangkat sa inyo ay hamakin o laitin ang ibang pangkat ng tao. (Qur’an 49:11)

b. Huwag kayong maniniktik sa isa’t isa.

k. Huwag kayong mang-iinsulto sa pamamagitan ng pagtawag ng ibang (palayaw, bansag o taguri) pangalan. (Qur’an 49:11)

d. Huwag manirang-puri at libakin ang iba.  (Qur’an 49:12)

3. Ang Kabanalan at Katiwasayan ng Pansariling Buhay. Ang Qur’an ay nagbigay ng kautusan:

a. Huwag kayong maghinala sa isa’t isa.

b. Huwag kayong pumasok sa alinmang tahanan na walang pahintulot.

4. Ang Kapanatagan ng Pansariling Kalayaan. Ang Islam ay nagtakda ng mga prinsipiyo na walang sinumang mamamayan o tao ang maaaring mabilanggo maliban ang kanyang kasalanan ay napatunayan sa isang hayag na paglilitis. Ang pag-aresto sa isang tao na batay lamang sa hinala at siya ay ikinulong nang walang kautusan ng hukuman at pagkakait sa kanya ng sapat na panahon at pagkakataon upang maipagtanggol ang kanyang sarili ay hindi pinahihintulutan ng Islam.

5. Ang Karapatan ng Pagtutol Laban sa Pang-aabuso. Ang isa sa mga karapatan na ipinagkaloob ng Islam sa tao ay ang karapatan upang tumutol laban sa pang-aalipin ng pamahalaan. Ang Qur’an ay nagsabi tungkol dito. “Ang Allah ay nasusuklam sa mga masasamang pag-uusap sa harap ng madla malibang ito ay ginagawa ng taong napinsala.” Sa Islam, tulad ng mga paksang nauna, ang lahat ng kapangyarihan at kapamahalaan ay itinuturing bilang isang tiwala; ang sinuman na tumanggap ng gayong kapamahalaan ay nararapat na tumayo nang may pagpapakumbaba sa harap ng kanyang pamayanan na nakalaan para sa sinuman o kanino mang kapakanan at siya ay maipapatawag upang gamitin ang ganitong kapangyarihan. Ito ay sinang-ayunan ni Abu Bakr na nagsabi sa kanyang unang pananalita:”Makiisa kayo sa akin kung ako ay matuwid, nguni’t iwasto ninyo ako kung ako ay gumawa ng pagkakamali. Sundin ninyo ako habang ako ay sumusunod sa mga kautusan ng Allah at ng Kanyang Propeta, nguni’t magsilayo kayo sa akin kung ako ay napapaligaw.”

6. Ang Kalayaan ng Sariling Pagpapahayag. Ang Islam ay nagbibigay ng karapatan sa kaisipan at pagpapahayag sa lahat ng mamamayan ng bansang Islamiko sa kasunduan na ito ay nararapat gamitin lamang tungo sa pagpapalaganap ng katotohanan at mabuting pag-uugali at hindi sa pagpapalaganap ng kasamaan at mga kalisyaan. Ang kalayaan ng pagpapahayag sa Islamikong konsepto ay higit na mataas kaysa sa konsepto na namamayani sa kanluran. Sa anupamang pamamaraan, ang Islam ay hindi nagpapahintulot upang ang kasamaan at kalisyaan ay mapalaganap. Ito ay hindi rin nagbibigay sa sinuman ng karapatan upang gumamit ng pang-aabuso o pagmamalabis sa salita upang gumawa ng mga pagpuna. Naging kaugalian ng mga Kasamahan ni Propeta Muhammad na magtanong sa kanya kung ang isang bagay o pangyayari ay may takdang kapahayagan sa kanya mula sa Dakilang Allah. Kung siya ay nagsabi na hindi siya nakatanggap ng kapahayagan ukol sa gayong bagay o pangyayari, ang mga Muslim ay malayang magpahayag ng kanilang sariling opinyon sa naturang bagay o pangyayari.

7. Ang Kalayaan sa Pakikipag-ugnayan. Ang Islam ay nagbigay din sa mga tao ng kalayaan ng pakikianib at pagtatag ng mga pangkat o samahan. Ang ganitong karapatan ay nala-lakipan din ng mga tiyak na pangkalahatang alituntunin.

8. Ang Kalayaan ng Budhi at Paniniwala. Ang Islam ay nagbigay ng kautusan. “Walang sapilitan sa relihiyon.” Sa kabilang dako, ang mga lipunang “totalitarian” ay ganap na nagkakait sa bawa’t tao ng kanilang kalayaan. Sa katotohanan, ang di-makatarungang pagkilala ng ganitong Pamahalaan ng alinmang bansa ay nagpapahiwatig ng isang uri ng pang-aalipin sa lahat ng tao. Sa pagkakataong ito, ang pang-aalipin ay nangangahulugan nang ganap na paghawak (paniniil) ng tao sa kanyang kapwa tao - sa ngayong panahon na ito, ang gayong uri ng pang-aalipin ay legal na naglaho nguni’t napalitan naman ng lipunang “totalitarian” na nagtatakda ng magkatulad na uri ng (paniniil o pang-aalipin) pamamahala sa tao.

9. Ang Pangangalaga ng Damdamin tungkol sa Relihiyon. Sa gitna ng kalayaan ng paniniwala at kalayaan ng konsensiya, ang Islam ay nagbigay ng karapatan sa tao na ang kanyang pangrelihiyong damdamin ay mabigyan ng tamang paggalang at walang dapat sabihin o gawin na makapanghihimasok ng kanyang karapatan.

10. Ang Pangangalaga Laban sa Di Makatarungang Pagkakakulong. Ang Islam ay kumikilala rin ng karapatan ng tao na hindi siya maaaring hulihin o ipiit nang dahil sa kasalanan ng iba. Ang Qur’an ay maliwanag na nagbigay ng ganitong prinsipiyo. “Walang sinuman ang maaaring umako sa kasalanan ng iba.”

11. Ang Karapatan Tungkol sa mga Pangunahing Pangangailangan ng Buhay. Ang Islam ay kumikilala sa karapatan ng mga nangangailangang tao na ang tulong at pagdamay ay nararapat na ibigay sa kanila. “At sa kanilang yaman, ay may takdang karapatang nauukol (nakalaan) sa nangangailangan at naghihikahos.”

 12. Ang Pagkakapantay-pantay ng lahat sa Harap ng Batas. Ang Islam ay nagbigay sa kanyang mamamayan ng ganap at buong karapatan tungkol sa Pagkakapantay-pantay ng tao sa mata ng batas.

 13. Ang Mga Pinuno o Tagapamahala ay Hindi Makapangyayari nang Higit sa Batas. Isang babae na nabibilang sa mataas na angkan at marangal na pamilya ang dinakip sa salang pagnanakaw. Ang kaso ay inihain sa Propeta, at doon ay ipinayo na siya ay iligtas sa parusa ng pagnanakaw. Ang Propeta ay sumagot. “Ang mga bansa na unang nabuhay bago pa man kayo ay pinuksa ng Allah sapagka’t sila ay nagpaparusa sa kasalanan ng mga pangkaraniwang tao nguni’t hindi sila nagpaparusa sa mga kasalanan ng mga taong kilala o matataas sa lipunan. Isinusumpa ko sa Kanya (Allah) na Siyang may tangan ng aking buhay na kung si Fatimah, ang anak ni Muhammad ay magnakaw, aking puputulin ang kanyang kamay.”

14. Ang Karapatan na Makilahok sa Pamamalakad ng Bansa. At ang kanilang pamamalakad ay isinasagawa sa pamamagitan ng sanggunian sa kanilang sarili. (Quran 42:38). Ang As-Shura o ang Sanggunian ay walang isang kahulugan maliban sa ang tagapagpaganap na pinuno ng pamahalaan at ang mga miyembro ng pagpupulong ay nararapat na ihalal sa pamamagitan ng malayang pagpili at pagboto ng tao.”

Bilang pangwakas na pananalita, ipinaliliwanag na ang Islam ay nagtatangka na makamit ang mga nabanggit sa itaas na mga karapatan ng tao at marami pang iba hindi lamang sa pagkakaloob ng mga tiyak na mga legal na pangangalaga kundi higit sa lahat ay inaanyayahan ang sangkatauhan na lagpasan ang mababang antas ng buhay ng hayop tungo sa pagsulong sa isang higit pang mahalaga kaysa sa pagkakamag-anakan batay sa dugo, antas ng lahi, o kapalaluan sa wika at karangyaan sa kabuhayan. Ito ay nag-aanyaya sa sangkatauhan na tumahak sa landas na kung saan ang kanyang makahulugan at malalim na katalinuhan ay maging daan upang mapag-alaman ng tao ang isang tunay na halimbawa at huwaran ng pagkakapatiran ng tao
موضوعات متعلقة ( 5 )
Go to the Top