حسن سلوك المؤمن الحقيقي

مقالات البطاقة التعريفية
العنوان: حسن سلوك المؤمن الحقيقي
اللغة: فلبيني تجالوج
نبذة مختصرة: تحقيق المعرفة الحقيقية عن الله، وأن يكون دائما مؤمنا به.
تأريخ الإضافة: 2011-02-26
الرابط المختصر: http://IslamHouse.com/336071
:: هذا العنوان مصنف موضوعياً ضمن التصانيف الآتية ::
- هذه البطاقة مترجمة باللغات التالية: فلبيني تجالوج
المرفقات ( 1 )
1.
Ang Magandang Asal ng Isang Tunay na Mananampalataya
91.4 KB
فتح: Ang Magandang Asal ng Isang Tunay na Mananampalataya.pdf
نبذة موسعة
Upang maging isang tunay na Muslim (taong isinusuko ang sarili sa Allah), nangangailangan na maniwala lamang sa tanging isang Diyos, sa pananaw ng Kanyang pagiging Tanging Isang Tagapaglikha, Tagapangalaga, Tagapanustos at iba pa. Nguni’t, ang paniniwalang ito, na sa katagalan ay tinawag na Tawhid Arruboobiyyah, ay hindi sapat. Sapagka’t, marami sa mga nang-iidolo ang naka-aalam at naniniwala na ang tanging Kataas-taasang Allah ang maaaring makagawa lamang nito. Kaya, hindi ito sapat upang sila ay tawaging Muslim sa tunay na kahulugan bagaman na sila ay naniniwala. Magkagayon, sa Tawhid Arruboobiyyah, dapat pang idagdag ang Tawhid Al’Uloohiyyah (ang pagtanggap ng katotohanan na ang Allah lamang ang nararapat pag-ukulan ng pagsamba), at sa gayon, dapat talikdan o iwasan ang pagsamba sa anupamang bagay o sa sinumang nilikha.

Sa pagkamit ng kaalamang ito ukol sa tunay na Diyos, ang tao ay nararapat na palagiang may pananalig sa Kanya, at nararapat na walang bagay ang maaaring maging daan upang talikdan ang katotohanang ito.

Kapag ang pananalig o pananampalataya ay pumasok sa puso ng tao, ito ay nagkakaroon ng magandang kaisipan na nagbubunga ng mga ibang mabubuting gawain. Ang magandang kaisipang ito kalakip ng mabubuting gawain ay mga patunay o tanda ng pagkakaroon ng tunay at tamang pananampalataya. Ang Propeta ay nagsabi: “Ang Pananampalataya (Iman) ay yaong nananatiling matatag sa puso at binibigyang patunay ng mga (mabubuting) gawa.”

Ang pangunahing bagay na matatagpuan sa isang magandang kaisipan ay ang pagkakaroon ng damdamin ng pasasalamat sa Allah, na maaaring tawagin bilang ang diwa ng pagsamba (Ibadah).
Ang damdamin ng pasasalamat ay lubhang mahalaga sapagka’t ang mga walang pananam-palataya ay tinatawag na Kafir na nangangahulugan ng “isang nagtatakwil ng katotohanan at walang pasasalamat (sa Allah).”

Ang tunay na mananampalataya ay nagmamahal at nagpapasalamat sa Allah sa mga pagpapala o biyaya na ipinagkaloob sa kanya, nguni’t dahil nababatid niya ang katotohanan na ang kanyang mabubuting gawa, maging ito man ay pangkaisipan o pisikal, ay malayo upang matumbasan ang mga pagpapala ng Allah sapagka’t siya ay lagi nang maingat sa pangambang maaari siyang parusahan sa kanyang mga gawain maging dito sa mundong ito o sa kabilang buhay. At dahil nga na siya ay may takot sa Kanya, kaya tapat at buong puso na isinusuko niya ang sarili sa Kanya at naglilingkod ng buong kababaang-loob. Hindi makakamit ng sinuman ang ganitong kalagayan kung walang pagbibigay alaala sa Allah. Ang pagbibigay alaala sa Allah ay siyang buhay na lakas ng pananalig, na kung wala ito, ang pananampalataya ay maglalaho at mawawala. Ang Qur’an ay nagtangkang itaguyod ang damdamin ng pasasalamat sa pamamagitan ng paulit-ulit o palagiang pagsambit ng mga katangian ng Allah. Ating matatagpuan ang karamihan sa Kanyang mga Banal na Katangian na binanggit sa mga talata ng Qur’an.
 
“Siya ang Allah, walang tunay na diyos (na dapat sambahin) maliban sa Kanya. Ang nakaaalam sa mga lingid at hayag. Siya ang Maawain, ang Mapagpala. Siya ang Allah, walang tunay na diyos (na dapat sambahin) maliban sa Kanya, ang Hari, ang Ganap na Banal, Ang (Pinagmumulan ng) Kapayapaan, ang Tagapagpatunay, ang Tagapag-bantay, ang Makapangyarihan, ang Kagila-gilalas (at di-Mapaglalabanan), ang Matayog. Luwalhati sa Allah, (Siya ay) malayo sa anupamang bagay na iniaakibat nila sa Kanya. Siya ang Allah, ang Tagapaglikha, ang Tagapaggawa, ang Nagbibigay Hugis at Anyo. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng naggagandahang mga Pangalan. Bawa’t bagay sa mga kalangitan at kalupaan ay nagbubunyi sa Kanya. At Siya ang Ganap na Makapangyarihan (at) ang Tigib ng Karunungan.” (Qur’an 59:22-24)

“Allah, walang tunay na diyos (na dapat sambahin) maliban sa Kanya, ang nananatiling buhay, ang (Tanging) Isang Tagapagpanatili (at Tagapanustos sa lahat ng nilalang). Ang idlip o antok ay hindi makapangyayari sa Kanya. Siya ang nagmamay-ari ng lahat ng bagay na nasa mga kalangitan at kalupaan. Sino ang makapamamagitan sa Kanya malibang Kanyang pahintulutan? Batid Niya kung anong nangyari (sa Kanyang mga nilikha) sa mundong ito at kung ano ang mangyayari sa kanila sa kabilang buhay. At sino man ay walang makapang-aabot sa Kanyang Kaalaman maliban Kanyang naisin. Ang Kanyang Luklukan ay abot sa mga kalangitan at kalupaan at hindi Siya nakadarama ng kapaguran sa pangangalaga at pangangasiwa sa kanila. Sapagka’t Siya ang Kataas-taasan (sa Kaluwalhatian). Ang Dakila.” (Qur’an 2:255)

“O Angkan ng Kasulatan, huwag kayong lumagpas sa mga hangganan ng inyong relihiyon, at huwag kayong magsalita tungkol sa Allah maliban ang katotohanan. Ang Mesiyas Hesus, anak ni Maria ay (hindi hihigit pa sa) isang Sugo ng Allah lamang, at Kanyang Salita na Kanyang iginawad kay Maria, at isang Ruh (espiritu) mula sa Kanyang (nilikha). Kaya maniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo, at huwag sabihin na: Tatlo (ang Diyos) (magsitigil kayo!) Iwasan, at  ito (ay higit na) makabubuti sa inyo. Katotohanan, ang Allah ay isang tanging Diyos lamang. Luwalhati sa Kanya na sadyang malayo sa pagkakaroon ng anak. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng nasa mga kalangitan at lahat ng nasa kalupaan, at sapat na ang Allah bilang Tagapangasiwa” (Qur’an 4:171)

Source from: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam, ni Ahmad Jibril Salas
Go to the Top